My bother’s poem

Sa Minsang umaga

Maagang nagising
Na parang lasing
Puno ng pawis
Lakarang malihis,

Pababa sa hapagkainan
Na puno ng tansan
Upuang sumasayaw
Ayaw magbalik tanaw,

Sa nakaraang maulan
Hindi na matatakpan
O tagay pa ulit!
Para tunay na sulit,

Bakit ayaw mo na?
Sa minsang umaga
Lumakad kang tuwid
‘wag nang mapatid,
Ng mapusok na itim.

Mag-syota?

Kamay kong natali
Walang pagkukundili
Sana’y walang hanggan
Sa iyong paghagkan,

Nangako sa pako
Napakong martilyo
Wag kang parang bitwin
Sa gabi lang nagningning

Nilasap mo ang pag-ibig
Tagos sa dibdib at bibig
Sa lagusan ng buhay
Ika’y pumalaypay

Ganito ba talaga
Ang mag-syota?
Parang kamakailan lang
Tila bulakla’t bubuyog nang
Umapruba ang tiyan, o puso?

‘Pagkat tindera ng balot..

Chicharon, balo’t penoy
Sakripisyo kay Nonoy
Mag-aalas kwatro na
Kita’y kulang pa

Sa naglalasinga’t tambay
Suki akong tila abay
Boses na gumigising
Tiyan nama’y kumakalansing

Chicharon, balo’t penoy
‘Wag sisihin ang nanay
Sa malaking tatsulok
Doon sa babang-sulok

O nonoy ko!
Nandito na ako
Tahan na sa luhang gutom
Mukang ‘di ka na magugutom
‘Pagkat tindera ng ballot..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: